Friday, February 11, 2011

Paulie T. Ca

Madungis na bayan,
mabaho, makalat, nilalangaw
nakatiwangwang ang basurahan
palikurang walang hugas
Gabundok na kontratang gawa ng iba,
Walang lagda.

Magulong pamamalakad,
bawat isa’y dapat umangat
walang dapat maapakan
taong bayan ang nililinlang
Kayraming katanungan,
Walang kasagutan.

Mga pinuno’y nagmamalinis,
Nangungurakot, nangbubulsa
Iilan lang ang tapat
Kaban ng baya’y winawaldas
Ang daming eskandalong kinasangkutan,
Walang umaamin.

Kaawa-awang nilalang,
tinutuligsa ng lipunan
inaabuso ng makapangyarihan
kinokontrol ng demokrasya
Mga problemang nakaambang,
Walang solusyon.

Hindi siya dapat sisihin,
wala siyang kasalanan
nagpahiram lang siya ng puwesto
naka-upo ang dito’y umabuso
Araw-araw na lumuluha,
Walang ingay.

Malinis o marumi?
nasa mata ng humuhusga
may pag-asa man o wala
taong bayan ang magpapasya
Ilang taon ang aantayin?
‘wag nang bilangin.

No comments:

Post a Comment